NOYNOY: PANGARAP SA BAYAN


Saganang Akin:

iamfornoynoyMatapos ang apatnapung araw buhat noong kuhain sa atin ang pinakamamahal na si Tita Cory, sa wakas at napagdesisyon na rin ang anak nitong si Noynoy para tumakbo sa Halalan sa Mayo para Presidente.

Masayang malaman na tulad ng kulay dilaw na napakaliwag sa mata muling nagkaroon naman ng malinaw na pag-asa ang bansang Pilipinas.

Ano pa’t sa simula’t sapul litung-lito na tayo sa pagpili kung sino ba ang iboboto na’tin sa nalalapit na eleksyon: nariyan ang mga alagad ng simbahan at sambahan na sina Father Ed Panlilio, El Shadai leader Bro. Mike Vilarde at Eddie Villanueva ng Jesus Is Lord Movement. Na kung iisipin lider nga silang maituturing subalit wala pang karanasan sa mundo ng pulitika maliban kay Ka-Ed.

Nariyan din ang mga batikang pulitiko na nag-aasam din na maupo sa Malacañang tulad nila: Sen. Mar Roxas, Sen. Loren Legarda, Makati Mayor Jejomar Binay, Chairman Bayani Fernado at napakarami pang iba kasama na ang dating pangulong Joseph Estrada. Nakakatawa lang ang isang partido dahil naturingan silang United Opposition pero sila-sila hindi magkaroon ng pagkakaisa sa grupo. Lahat sila may kanikanilang pagnanais maupo sa pinakamataas na bangko.

Hindi ko na bibigyan ng isyu si pambansang pedicab driver na si Kuya Mar sa kanyang pag atras sa pagkapangulo ang mahalaga nagkaroon s’ya ng mabigat ngunit nakakagaan sa loob na desisyon. Sayang gusto ko pa namang maging first lady si Korina. lols :D

Sabi ko nga, masyado pang maaga para pumili ng ibobotong pangulo, alam kong napakarami pang magaganap at mababago. Pero bago pa magpahayag ng pagtakbo si Noynoy, wala na akong ibang mapili sa pagkapangulo kundi si ST =Sipag at Tiyaga. Nakaka turn off lang minsan so sobrang dami n’yang TV ad. Kung iisipin, napakalaking halaga na ang nalulustay n’ya kaka anunsyo ng sarili n’ya. Noon kasi para sa akin, masyado na s’yang mayaman para magpayaman kaya s’ya ang malapit sa thumb mark ko. Malaki na rin naman ang naitulong n’ya para sa kababayan na’ting OFW pati na rin sa pagtulong sa mga mamamayan para magtayo ng maliit na negosyo.

Isa pa sa nakaka turn off, ay ang mga ipinupukol sa kanya nila Sen. Panfilo Lacson (umatras na sa pagkapangulo) at Sen. Jamby Madrigal (nagbabalak tumakbo) ukol sa di umanoy maanumalyang C-5 Extension. Hindi pa naman napapatunayan, pero nakakalungkot na kawpa mambabatas sa mataas na kapulungan ay nagbabangayan. Bilang isang kabataan at mamamayan mapapaisip ka kung sila ba’y nagtatrabaho para sa bayan, o nagpapabango lang sa publiko na bilang halal na pulitiko ay may paki-alam din sa umano’y katiwalian ng kapwa pulitiko.

Napakahalaga sa akin ang darating na eleksyon sa 2010 dahil ito ang una kong pagkakataon na maghalal ng pangulo. Isa pa nakakatuwang isipin na isa ako sa unang susubok sa bagong teknolohiya ng CommElec. -ang Automated Voting Machine.

Sabi ko sa sarili ko noon, iboboto ko ang taong mangangakong pananagutin si Gng. Gloria Macapagal-Arroyo sa mga isyu na  hanggang ngayon ay nananatiling palaisipan sa atin tulad ng ZTE Broadband Deal at Fertilizer Scam.

Pero ano pa ba ang aasahan na’tin? hindi man magkaganoon, magbalik man lang ang dati na’ting demokrasya. Hindi tulad ngayon malaya nga tayo pero para parin tayong nakatayo sa mataas na gusali na maling hakbang aymaaaring bumagsak tayo.

Ang nalalapit na halalan ay hindi lang napapaloob sa pagluluklok ng bagong mga lider, ito simbolo ng bagong pag-asa sa pagkamit ng pinapangarap na pagbabago.

Siguro, kung may pakiramdam lang ang mga pinto sa palasyo ng Malacañang, malamang naghahanda na sila sa muling pagbabalik ni Nonoy dito, ang natatanging anak na lalaki ng dating pangulong Aquino at ng bayaning si Ninoy. Alam kong nananalaytay pa rin ang dugong bayani kay Nonoy at nakakasiguro akong hindi n’ya maatim na dungisan ito.

Si Noynoy na lang ang masasabi kong napakalinis pa sa mata ng publiko para ihalal bilang pangulo.

Si Gng. Arroyo na anak din ng pating Presidente ng Pilipinas ay nabigyan na’tin ng pagkakataong maupo, subalit hindi naging katanggap tanggap sa pagdating ng mga araw, bakit hindi rin na’tin subukan si Noynoy. Naniniwala akong magkapareho man ang mangyari sa kanila (pagnagkataon) naniniwala akong magiging  magkaiba ang  pamamalakad nito. Malayong-malayo sa kinahaharap ng kasalukyan na’ting administrasyon.

Ang pangarap sa bayan at mananatiling pangarap kung ikaw mismo ay hindi kikilos para sa pinapangarap na pagbabago. Sayang ang boto mo kung hindi mo gagamitin sa nararapat na pulitiko. Hindi ko sinasabi na iboto n’yo si Noynoy, sabi nga nila mas pinili tayo ng Diyos -tayong mga tao kaysa sa ibang nilalang na bigyan ng isip, ibig sabihin may kalayaan din tayong mag desisyon para sa sarili na’tin. Pero hinihiling ko na sa pagboto n’yo magparaya ka naman minsan sa sarili at bayan naman ang isipin mo. :)

About these ads

51 thoughts on “NOYNOY: PANGARAP SA BAYAN”

  1. Otep ako’y naniniwala na makakahakot sya ng malaking boto, malalaman sa susunod na taon..ako? wala pa akong pambato sa totoo lang hehe..kapangarap kita Otep habang andidito pa ko sa blogospirya..^_^

  2. i have to give him the benifit of doubt. hindi ko sya masyadong kilala. but he came from a new breed of politicians, most specifically from the aquinos, who are more interested in justice and social service than self-preservation. if i could vote, sa kanya na.

    1. okay payn. nyahahaha

      gagawa din ako ng moderator bawal english dito..

      heheeehe

      ayos lang basta nababasa mo.

      sayang wala na akong freedom of speech.. lols.
      :D

  3. otep,
    parang gusto kong makumbinse at pangarapin ko narin siya dahil sa mga sinabi mo. haha

    sa totoo lang, sa mga nagbabaak na tumakbong kandidato si noynoy ang walang bad image (diko lang alam kung meron ng lumalabas). si father ed nga handa nang ibigay ang suporta kay noynoy. kase nga iba ang karisma nya. salamat sa magandan emahe ng kanyang ama’t ina.

    1. naks wag ka paimpluwesya sakin lols.

      Nyahahahahahaha :D

      pakiramdam ko, kahit tumakbo naman si among ed hindi sya mananalo..

      nagraraly na rin kasi yata sa Pampanga :)

      pero naniniwala pa rin ako sa kanya.

      try nya tumakbo ng Senator :)

  4. Kung sakali man pareng Otep.

    Naniniwala akong may sariling pag-iisip si Noynoy.

    Maraming mga buwaya, tigre, ahas, bulate, kuhol at kung anu-ano pa sa palasyo.

    Ano ba ang mayron doon? May mina ba ng ginto at langis doon?

    Kayo na mga kabataan ang tunay na pag-asa ng bayan.

    Huwag lang sana sa usaping pang blog, dapat naipakikita natin sa mga kapwa natin Pilipino na tayo ay isang magandang halimbawa ng isang Pinoy.

    Yong mga hindi pa rehistrado at ayaw bumoto, baka naman pwede? Pwede ba?

    1. puwede! puwedeng puwede pa hanggang october pa yata.

      naniniwala akong may pagbabago kay Noynoy.. :)

      natawa lang ako sa butete Nyahahahahah :) napataob ako dun ha. o pakainin mo muna yung mga butete ko sa wishing well, mag wish ka ha :) sana manalo si Noynoy

  5. i am not against noynoy, or anyone.

    pero isa lang ang alam ko…

    para lang siyang hilaw na bunga na pilit hinihinog o pilit pinipitas…

    ayun lang… ehhe

  6. ayos, akala ko pa man din base na ako.. hehehe

    anyway, oo naman, noynoy rin ako. nakamayan ko kaya siya… hehehe

    toinks..

    seriously, sa tingin ko naman, ndi siya corrupt kaya dapat siyang iboto.

  7. i hate politics, its an anarchy for me that one has to understand that it belongs to the paradigm of instant insanity. It is obvious that they are just doing that for personal interest whatsoever they are claiming for. however, i still see noynoy has a good intention, thats it. no pun intended.

  8. nice site..
    hehee
    isa ka nang makata…

    dahil dyan, patulong naman …!!!
    paki translate sa english ‘tong article mo..
    hehee
    thanks..

  9. hindi ako nakapag register for absentee voting..

    btw parekoy, i failed you. hindi ko alam na kelangan palang inominate ang sariling blog sa website..late ko na nalaman. sept 11 yung deadline, sept 12 ko na nabasa..nyak

  10. well, noynoy. hmmm. di ko pa alam kung iboboto ko siya. ang tanging inooffer niya ay alternative lamang. yung binebenta niya pa lang ay yung imahe niya at yung apelyido niya. hihintayin ko muna yung plataporma niya at yung vision niya para sa Pilipinas.
    first time voter din ako.
    iboboto ko ang isang tao hindi lang dahil sa personalidad niya kundi maging dahil sa plataporma niya at yung paninindigan niya. :)

  11. ayos to! panalo. tulong tulong sana tayong mga noypi na isulong yung true change sa Pinas. after all, atin ito. :p

    napadpad lang po sa blogsite nyo. :)

  12. i have nothing against noynoy, but i really wont vote for him…

    i wish everyone will open their eyes and heart that the sudden shift of allegiance to noynoy is not because of noynoy himself…but because of pity and popularity of his parents, plus Kris Aquino…have an informed choice. read political blogs, watch presidential forums/debate, read the newspaper… matalino tayo, let’s use that to discern well.

    Mar would have been a better candidate, pero alam ng Liberal Party na tagilid sila kay Mar kaya they chose Noynoy na lang.

    Anyway, I’m for Gibo for 2010.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s