AYAW AKONG LUBAYAN NG PANAGINIP


Sa bawat araw na dumadating, patuloy na nadaragdagan ang mga tanong at pangamba na nararamdaman ko ngayon. Paano ba naman ilang araw ko ng natatandaan lahat ng napapanaginipan ko.

Tulad kanina kakaiba na naman ang naging panaginip ko at tila may gustong iparating na naman sa akin.

Nagkaroon daw ng malakas na lindon at kitang kita ko ang mga gusaling nagtatagiliran subalit bumabalik din naman ito sa dati niyang posisyon. Mga apat sigurong beses na paulit-ulit na nangyari ang paggalaw. Maya-maya pa isang kulay asul na eroplano naman ang bumagsak na may kakaibang desensyo. Hindi naman ito sumabog pero naglabas ito ng malakas na pressure ng usok sa gilid ng gusaling kinatatayuan ko. (mula sa bintana).

Kakatwa nga lang ang sitwasyon dahil yung kuya at ate ko ay at parang nasa edad 13-14 palang ganoong mag te-trenta na ata sila.

Naaalala ko pang gumamit pa ako ng elevator at may isang bata akong inaalalayan na hindi ko alam kung pamangkin ko o kung sino ba ito.

Naging ligtas naman kaming lahat at nababakas naman ang mga ngiti sa aming lahat na parang walang nangyayari.

tapos noon maaga akong nagising kaya hindi ako na late kanina.

Hindi ko alam kung saan ko ipapasok dito yung nararamdaman ko sa isang tao pero tiyak akong related sa kanya ang mga nangyayari.

***

Naalala ko tuloy yung dating kinuwento ko dito ukol sa dati kong panaginip noong nakaraan taon. At isang kumento ang natanggap na tumpak sa lahat ng kanyang konglusyon na parang gusto ko ng maniwala sa dalang mensahe ng mga panaginip ko.

NARITO ANG KOMENTO NG ISANG READER:

ang mabibigay kong konklosyon sa panaginip mo! papahirapan ka nang crush mo! pero wag kang ma sad, kc papansinin ka rin niya at mag kakapalagayan kyo ng loob! yan ang ibig sa bihin ng eksena na nalungkot ka dahil nag laho cyang prang bula! positibo ang na kikita kong magaganap sa inyo ng crush mo! maniwala klang. at ang malinaw na tubig pero may sementeryo sa ilalim at malinaw mong nakikita! takot mo iyon! na sa sayo kong mag papatangay ka sa takot mo! o sa ibang salita mag papaunder ka sa fear mo! dapat galingan mo ang galaw mo para manalo ka at ma kuha mo ang puso niya! Pro mag ingat ka sa aso sa panaginip mo! kc sa bwat love story may kontrabida! may karibal ka sa crush mo! ang payo ko syo wag mong hahaya ang mapunta sa karibal mo ang crush mo! Pro na sasayo pa rin yan! kong ok lang syo na mapunta ang crush mo! doon sa aso, wla na akong magagawa jan! magaanda talaga ang nakikita ko sa drm mo!kong gusto mong gumanda ang love life mo sa piling ng crush mo! galingan mo lang! cge hangang d2 nalang ako. oreca bye bye dude! paalala ulit GALINGAN Mo!!!!!!!!!!!!!

AT NARITO NAMAN ANG DETALYE NG PANAGINIP KO:

‘Di umano’y nagpapaka-siklista ako sa isang lugar na laging kong pinupuntahan, nang matanaw ko ang crush ko na kapwa naka-bike din. Dahil sa crush ko nga yung tao, agad ko itong sinundan gamit pa rin siyempre ang bike ko. Medyo napapalayo na kami, at tila nasa eksena kami ng ENDLESS LOVE 1 na nagbabike sa mapuno at mahangin na kapaligiran. Noong naramdaman n’ya na sinusundan ko s’ya agad n’ya itong pinaharurut ng mabilis na tila de-motor, kaya sa takot na mawala s’ya sa paningin ko binilisan ko rin ang pagpipidal.

Sa bawat pagliko na aming nilalandas sa madamong pazig-zag medyo may pangamba akong baka hindi ko na s’ya masulyapan sa sandaling mapaliko s’ya.

Noong umagwat s’ya sa’kin ga napakalayo at unti-unting nawawala sa paningin ko hanggang nagmistulan na s’yang bula.

Medyo Nalungkot ako noon, pero dahil wala namang lilikuan akong nakita, binaybay ko na lang ang malupa at mabatong lugar.

Hanggang matanaw ko ang kanyang bike na nakasandal sa batong inukit na tulad ng mga baitang sa hagdan.

Isinandal ko din doon ang bike ko at humakbang paakyat sa dulo ng bato. Pilit ko s’yang tinatanaw sa harapan, sa aking kanan at sa kaliwa pero hindi ko s’ya makita. Nagulat na lang ako noong may dumampi sa kaliwang balikad ko -ang palad n’ya.

Kung magpapaka jologs ako sa pagtutulad ganito ko s’ya mabibigkas “Dinaig n’ya ang sariwang hangin, ang ganda at bago ng kapaligiran na tila isang pagtupad sa isa sa aking mga kahilingan”. -korni no?

“Ang ganda no?” -Wika n’ya habang nakatingin sa ibaba mula sa matarik na kinatatayuan namin.

S’yempre napatingin rin ako sa ibaba, namangha at nagulat ako sa aking nakita, -Isang malinaw at payapang ilog, nakakapagtaka lang dahil sa ilalim nito aninag ang mga mapuputing hinulmang mga parihaba at pawang may mga krus na marka. Oo, sementeryo sa ilalim ng tubig.

Hindi ko pa naman napapanood ang Ouija ni Judy Ann Santos pero ‘yon agad ang pumasok sa isip ko, siguro dahil may pagkakaalam kong mayroon doong scene na kakikitaan ng Sementeryo sa ilalim ng tubig (not sure).

Medyo bumilis ang pangyayari sa panaginip ko at nawala sa eksena si “Crush” agad kong pinuntahan ang namamahala sa lugar (Parang Tourist Spot na kasi s’ya).

“Manong, Anong ilog po ‘to.?” Wika ko.

“Ilog ng Sto Niño” Medyo gumulo na ang sitwasyon at nabanggit n’ya ang ganito.

“Piyesta kasi ng Sto Niño” hindi ko alam kung bakit nabanggit yun. kaya nagtanong uli ako.

“Anong parte po ba ‘to ng Maynila?”

Hindi s’ya nakasagot kaya medyo pinalawak ko yung tanong

“Paco po ba? Pandacan? Sta. Mesa?”

“Ah pasenya na di ko rin alam e”

Pumasok na sa eksena si “Crush” na nasa likod ko lang pala, at pinagmasdan ang ilog. Medyo kinikilig ako sa parteng ‘to na tila nasa lugar kami tulad ng sa Tagaytay.

Hindi ko lang alam kung ano ang pumasok sa isipan n’ya at nagawa n’yang bumaba sa may babalang bawal na pasukin iyon.

Sa hindi inaasang pangyayari medyo nadulas s’ya at biglang nagmamadaling umakyat. May aso pala sa ilalim, na nagkakahol. Nahawakan ko s’ya sa kamay na tila sinasagip na tulad pa rin sa isang pelikula habang nasa panganib s’ya.

Nakuha ko ang kamay n’ya, pero nakakapagtakang may kagat s’ya ng aso sa kamay. Nakita kami ng Bantay ng Lugar at Pilit na pinapapirma sa isang papel at nagwikang:

“Hala, pirmahan n’yo ‘to, baka may mangyari sa inyo at ako pa ang masisi”

Doon natapos ang panaginip ko, dahil sa hampas ng hanger ni Mama.

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s