note2myex

#NoteToMyEx


Nakanang tumetrending!

Maraming bagay ang umuudyok para isulat ko ito. Una nang makita kong trending ang #NoteToMyEx sa twitter. Pangalawa ng halos dalawang linggo na akong inuulan ng text ng dati kong housemate o sabihin na nating dating kaibigan sa paghingi ng sorry sa nagawa nya sa’kin (taragis! Isang taon!? -isang taon bago humingi ng sorry? Ayos ha!) at Pangatlo ng maamoy ko ang pabango ni ex habang naglalakad na tila nagpaparamdaman tulad sa isang taong yumao na. Lol.

Nang maamoy ko iyon, ayokong isiping namimiss ko sya dahil hindi naman talaga. Siguro may mga bagay lang na bumabalik na ayaw ko nang maalala. Kaya bukas! bukas na bukas hahalughugin ko ang buong SM makakita o makaamoy lang ng ganoong uri ng pabango. Yun lang ang naiisip kong paraan para masanay ako. Para sakaling nakaamoy ako muli ng ganoong uri ng amoy, hindi ko na sya maaalala.

Oo bitter ako, bitter ako hindi dahil sa mahal ko pa rin sya kundi dahil sa mga nagawa nya sa akin.

Mahigit isang taon na ang nakararaan at mahigit dalawang taon naman buhat noong pinagkaingatan kong huwag munang magmahal dahil sa mala MMK na katapusan ng huli kong relasyong napasukan.

Sabi ko noon, dalawang taon na naman e, siguro ito na yun.

Masakit mang aminin pero ang hirap pala, kapag nagkatagpo ang dalawang taong malungkot –parang magiging panakip bukas ka lang sa mga nararamdaman nya. Ginawa nya akong kwentuhan ng problema nya, sa pamilya nya, sa trabaho. Akala ko kailangan nya ako dahil kailangan nya ko, yun pala dahil kailangan nya lang ako. (san ko ba narinig yun? Haha)

Hindi ko naman sinasabing ginamit nya lang ako, pero sa kanya na mismo nagmula. Masakit man marinig at pilit itanong pabalik sa kanya -pero niloko nya lang talaga ako.

Tandang-tanda ko noon, noong gabing normal lang naman na nagtetext ang dalawang magkasintahan. Nakapagreply sya pero hindi na sa mga sumunod. At dahil ako ang taong may ugaling hindi dapat pinupursigeng magtext o tumawag ang isang tao dahil nakakasakal iyon hinayaan ko sya. Kinabukasan, normal muli kaming nakapag-usap sa text at humingi ng pasensya dahil nawalan daw sya ng load.

Hindi ko alam kung ano ang naisipan nya o baka gusto nya lang talagang maging tapat sa akin kaya nagawa nyang amining umalis sya ng oras na iyon na hindi nya ipinapaalam sa akin. Nagawa nyang makipag-kita sa iba. At dahil may malaking tiwala ako sa kanya, hindi ko inisip na sinasaksak nya na pala ako patalikod.

Kahit ugali kong magbigay ng tiwala sa mga taong mahal ko, nagagawa ko pa rin namang mag-analisa ng mga pangyayari. Sabi ko, kung nawalan ka pala ng load ng mga oras na iyon, nakakapagtaka namang nagawa n’yo magkita ganoong sa facebook lang naman kayo magkakilala?

Nakakabasag ng tiwala ang mga sitwasyong iyon kaya nauwi kami sa labo-labo.

At dahil may mga pakiramdam ako sa mga bagay-bagay lalo na kung mahal ko ang isang tao, hindi ko alam kung paano nangyari pero natuklasan kong… yung ka-housemate ko pala ang naging katagpuan nya.

Kilala ko ang housemate ko, sa tagal naming nakahalubilo ang isa’t isa tuwang-tuwa pa iyon sa naiku-kwento  nyang mga maling gawain, na ang kamalian naman naming mga kaibigan nya ay ginagatungan pa namin.  Feeling  nya tuloy ang guwapo-guwapo nya.! (natuto naman akong hindi dapat kinakatuwa ang kamalian ng iba, dahil nasasanay at lumalaki ang ulo) Hindi ko naman kasi lubos maisip na pati akong kaibigan nya ay tataluhin nya!

Umalis ako ng bahay n’ya, kung saan nagbabayad din ako ng buwanang renta. Wala syang narinig sa akin kahit alam nyang may kasalanan s’ya sa akin kaya hindi nya na rin ako nagawang pigilin. Nanliligid man ang luha ko at pilit-pigil huwag itiklop ang mga kamao ko, nagawa ko pa ring pigilin ang sarili dahil ayaw kong ipakita sa kanya na talunan at kaawa-awa ako at sya ang nanalo sa ginawa nyang laro.

Grabe! Alam mo ba yung pakiramdam na talunan ka? Yung mga oras na wala kang maisip kundi sya, yung mga oras na gusto mo namang gumanti sa kaibigan mo dahil tinalo ka, yung pakiramdam na nag-iisa ka, nalulugmok, pinipilit na huwag mong kausapin ang mahal mo pero nagkukusa ang mga mata at ang mga daliri para kontakin at kausapin sya. Mas mahirap kapag nalaman mong okay lang siya habang ikaw nag-uumiyak nakikiusap, hindi dahil gusto mong balikan ka nya, kundi layuan nya yung unggoy! halimaw at impaktong kaibigan mong iyon!

Pero totoo nga na habang pinoprotektahan mo ang isang tao at pilit na inilalayo sa patibong, sila pa mismo ang lumalapit sa panganib. Sumama na sya sa bahay ng kaibigan ko kung saan dati akong nakatira. Hirap man akong paniwalaan sa kwento ng mga kakilala ko sa bahay na iyon, pero mukhang may nangyari sa kanila. aw.

Bumaba ang tingin ko sa kanya. At alam nyo ba kung gaano kasakit yun sa parte ko? lalo na kung alam nyong iningatan ko sya.

Wala na naman akong nagawa kundi tanggapin iyon. Hindi naman sila nag tagal at wari kong nagkatikiman lang. lol. Kaya para maibsan yung nararamdaman ko at dahil alam kong mahirap magtanim ng sama ng loob, muli kaming nagsimula pero bilang kaibigan na lang. Mas bata sya sa akin, Kaya alam kong napakapusok nya. Nagawa ko syang paghigpitan kahit alam kong “wala” na kami o kahit anong namamagitan sa akin bukod sa tinuturing ko syang kaibigan.

Pero sobrang kate! Lol. :P Ibig kong sabihin sobrang pusok nya mahilig syang makipag kita kung kani-kaninong nakikilala nya sa facebook. Di naman nakapagkakaila dahil may limang libo s’yang friend sa FB (sya na maganda). Pero nagagawa nya talagang baliwalain mga sinasabi ko.

Hindi na kapani-paniwala pero pati sa mga kaibigan ko ay related na  sa kanya. Ugali na nya talagang sumama at makipagkita sa mga taong hindi nya kakilala. Hindi na nakakagulat kung nagkakilala din kami dahil sa isang pagkikita. (dahil sa blog ko)

May mga pagkakataong halos habulin ko sya hindi man literal pero parang ganoon. Nagawa nya akong iwanan sa mall habang lakas loob sa sarili kong babalikan nya ako kung saan nya ako iniwan. Pero hindi. Nagawa ko syang sundan sa pupuntahan nya at pigilang huwag makisama sa mga taong hindi nya naman lubusang kakilala. At nagawa kong maghintay sa kahabaan ng EDSA habang nilalamok at abutin ng umaga para hintayin sya sa muli nyang pagbabalik galing sa overnight kasama ang mga bago nyang kakilala.

Nagawa nya akong balikan ng umagang iyon habang nagkasingkit-singkit ang mga mata kong nagkaka eyebags na at mabusog sa mga usok ng mga tambutso sa kalsada. Ganoon ako kamartir men! Para iyon sa isang kondisyong hindi na ako papasok muli sa opisinang magkasama naming pinapasukan para lubusan na nyang kalayaan sa mga mata ko.

Hindi man nya nasunod ang kondisyon ko na hindi pagsama sa mga bago nyang kaibigang wala namang magandang idudulot sa kanya. Nagawa ko pa ring tuparin ang pangako ko na hindi na papasok muli sa trabaho at tuluyang magreresign na. Ganoon pa man nagawa ko naman kasing ipabatid sa kanya na kaya kong magtiis ng gutom, puyat at maglakad (dahil walang-wala din ako ng mga oras na iyon) para lang maprotekhan sya sa iba.

Inaamin kong nagkamali ako, na hinayaan kong mawala at ipakita sa kanyang wala na akong tiwala sa kanya na hindi n’ya kaya ang sarili nya. Pero nangyari na.

Nagawa kong magresign. Pero hindi pumayag ang manager ko. Pero dahil na rin sa isang kondisyon na ililipat ako sa pang-gabi at opisina (sa alabang) pumayag na rin ako.

May samaan man ng loob kami sa isa’t isa, kahit kilo-kilometro na ang layo namin sa isa’t isa may mga pagkakataong nagkaka away-bati kami. At dumadating sa puntong “tama na, paulit-ulit na lang”. Kaya ako na rin ang gumawa ng paraan para magka-ayos na kami.

Hindi naman sa pilit, pero nagawa talaga naming maging magkaibigan. Yung tipong alam na naming kung saan kami lulugar at hahayaan na naman ang isa’t isa kung ano man ang gawin nya sa buhay nya.

Dumating sa pagkakataong nagawa nya nang iwan yung company namin, pero hindi naman dahil sa akin no! kundi sa personal nyang dahilan.

Nagipit sya, dahil nagresign sya na wala namang malilipatang kumpanya. Dahil nakakaluwag ako noon at alam kong normal na kaming lumikilos higit sa magkilala kundi dahil sa inayos na pagkakaibigan pinahiram ko sya. Sinu pa ba ang magtutulungan? Ganoon naman talaga di ba? Hanggat ma’y maiaahon na pakikitungo sa isa’t isa iaahon at iaahon natin iyon. Ginawa ko ang lahat para umayon kami sa kung ano mayroon kami at masaya akong naiahon iyon bilang literal na magkalayong kaibigan.

Mahirap pero aminin nating lahat ng bagay may hangganan yung tipong natutuyuan ka na at wala ka nang mapipiga dahil nasaig ka na.

Sa kabila ng lahat-lahat! Hindi pa rin nya naiparamdam sa akin na kaibigan ko siya at nagawa nya pa rin akong saksakin patalikod.

Nagawa nyang magpagamit sa pinaka halimaw na kakilala ko na blogger naman (parang ang dami kong kaaway no?).  Nagawa nyang mag text sa akin (na wrong send daw) na mula sa blogger na tinutukoy ko. Wala naman akong pakialam sa nilalaman ng text message,  ang akin lang hanggang sa huling pagkakataon, hindi nya pinahalagahan kung ano ang mararamdaman ko noong mga oras na iyon o kung ano na ba ang namamagitan sa amin -pagkakaibigan.

Sa ngayon tulad ng housemate kong may namagitan sa kanila, ulanin man ako ng text na “sorry” o mga quotes o group messages na yan. Wala na akong magagawa dahil pinag-daanan ko na lahat ng iyan. Nagawa ko na yung mga dapat kong gawin para palutangin kung ano man ang pwedeng isalba. Hindi na ako galit sa kanila (ang hirap na din kasi magtanim ng sama ng loob) Ang akin na lang ngayon ay umasta na lang tayo na hindi tayo nagkakilala.

Sa dati kong housemate na nag “so-sorry” sa akin matapos ang isang taon, sana naisip nya na kung nakikipag-away ako sa kanya edi dapat noon pa noong lumabas ako sa pintuan ng bahay nya ay nakarinig sya akin –pero wala kahit isa. Isa lang ibig sabihin n’on, ayaw ko ng away kaya wala syang dapat isorry sa akin. Sa ex ko mag sorry ka man o hindi sa akin, tanggap ko na iyon. Sabi nga sa akin ng nakatatanda n’yang kapatid “kung kami nga na kapamilya o kapatid nya hindi sya maintindihan ikaw pa kaya?” Ang akin lang ay nangyari na ang nangyari kaya, kumilos na lang tayo na hindi na lang tayo nagkakakilala. Wala naman sigurong masama dun mas masama siguro kapag dumating pa tayo sa sukdulan.

Kung naiisulat ko man ito ngayon, hindi ito dahil sa sobrang sama ng loob ko sa inyo kundi dahil alam kong matagal ko na itong gustong ikwento sa sarili ko at sa iba na rin, kung paano ako nagtangkang sumagip ng pagkakaibigan, kung paano naging tanga at kung paano natuto sa mga dati kong kakilala.

About these ads

13 thoughts on “#NoteToMyEx”

  1. “Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako? … Oh kailangan mo ako kaya mahal mo ako? … ”

    _a romantic line from Claudine in the movie “Milan”

    we love, we get hurt, we learn and then we must move on. hindi ka bitter kung mas pinili mong kumilos na hindi mo sila kunwari kilala. nasaktan ka at natural lang na ganun maging reaksyon mo. give your self space and time para maghilom yung mga sugat. you will see, on the right time pag nakasalubong mo sila ulit kayang kaya mo na sila pakiharapan at bigyan ng totoong ngiti ng walang bahid ng sinasabi nilang “bitterness”

  2. kilometric post men!!!! pero nagawa ko’ng tapusin! at grabe ha, ang daming ahas talaga :D pati kaibigan mo tinalo ka! grabe talaga. wala na ako’ng masabi

  3. Ayaw ko man sabihing masaklap ang naganap ay parang ganun na nga Kuya Otep! Pero saludo ako sayo promise! Mabuti ang katauhan na meron ka :)

    Naloka naman ako sa ex mo pero siguro ay dadating ang panahon na matututo rin sya sa lahat ng nga pagkakamaling nagawa nya sa buhay nya at marerealize nya kung gano kahalagang ginto ang Hindi nya kinakitaan ng kinang, oo ikaw ang ginto :)

    naintriga rin ako sa blogger na ito, haha nakichismis daw ba!

  4. Hello! Sira ulo ka men…. Loool… Haaay naku, 1st few paragraphs pa lng ng post mo parang gusto ko ng sabihin na Hoy, di nya deserved time & friendship mo! Pero hayaan mo na, nangyari na eh… Sabi ko nga sa tweet ko, who needs enemies wen they hav u as a friend… Parang bagay to sa exhousemate mo. lol

    Anw, nice meeting u online!

  5. wagas ka otep, di ko keri yung ganyan! pero impairness, nakakarelate naman ako sa pinagdaanan mo…kahit ang haba keribum natapos ko naman hehe…anyhow…hais, pag-ibig nga naman….pero alam mo, sa kabila ng lahat ng sakit at pasakit at dusang maaaring madama, dadating din naman ang panahon na ikaw ‘tong sasaya sa bandang huli…..:)

  6. I am a blogger like you and reading this made me feel like opening my wordpress account again. Para lang makapagcomment dito sa post mo, nabuksan ko ng di oras ang account ko na ito (Tumblr blogger kasi ako). Anyway, dahil diyan sa post mo, napapatunayan ko unti-unti na may mga ganyang klaseng babae pala. Minamahal na nga, nanloloko pa. Akala ko mga lalaki lang yung ganun. Pati rin pala kayong mga lalaki naloloko rin. Buhay nga naman. If you have time, feel free to visit my blog. Nabasa ko lang ito dahil gumawa rin ako ng post regarding that trending topic. Expecting more posts from you! :) -http://annadominiquereyes.tumblr.com

  7. Otep, keri lang yan. ibat iba lang siguro ang katangian ng mga babae,mapa ex man yan or present. Ano mang motibo nila basta alam mo sa sarili mo na wala kang ginagawang masama. Masumpungan mo nawa ang tunay na kaligayahan ng pag-ibig. ;-)

  8. ang haba… pero hindi ako napatigil sa pagbabasa. buong-buo ang emosyon mo pre, f na f kita. AS IN. Hindi mo pa kasi ito bakwento sakin dati. Now I know.

    “Masakit mang aminin pero ang hirap pala, kapag nagkatagpo ang dalawang taong malungkot –parang magiging panakip bukas ka lang sa mga nararamdaman nya. ” – isang malaking check!

    powerhugs pre!!!

  9. *hugs* ang tindi pala ng pinagdaanan mo, pero ngayon ok ka naman na di ba? nakakainis lang kasi medyo nakakarelate ako. yung feeling na iningatan mo yung isang tao di ka nagdemand, naging maluwag ka para di siya masakal pero magagawa ka pa nyang saksakin ka patalikod. pero mas matindi yung pinagdaanan mo kasi noon saksakin ako, lumayo na ako, di tulad mo sobrang bait at martir lang tep. haaay di ko alam kung mali yun o tama. haaay di bale atleast masasabi mo sa sarili mo na ginawa mo naman lahat siya yung nagkamali di ikaw. at tama yan. di mo na kailangan isave pa ang friendship nyo wala yung patutunguhan. sayang lang effort mo. di sya worthy ng love o friendship mo.

  10. hayaan mo na yon, sana dumagdagdag din sa kaalaman mo na mas mabuti siguro kung wag mo syang bawalan, ikaw ang sumabay sa kanya hanggang maging maayos, uso na talaga ang saksakan ngayon kaya mag ingat ka na, isa pa sana kung magmamahal ka mag tira ka kahit isa, para hindi ka pinapapak ng lamok.

  11. Kasi naman ang katikati hahaha… well otep, may mga lovelife ka pa pala… akala ako wala lang hahaha :)

    Buti nga sayo at ang malas mo sa ganyan, hahah jowk

    sino yang blogger na yan, pangalanan!

  12. Hugs* Halo-halong emotion ang mararanasan mo kapag nagmahal ka ng tunay. Masakit man isipin na ganun ginawa sa’yo pero ang mahala ay natuto ka. ;-)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s