tabacco monopoly monument

BINATAC NG KASAYSAYAN


tabacco monopoly monumen2t

7thAlam mo yung maganda kapag naglalakbay ka? Hindi ka nauubusan ng kwento. Maaaring kinukwento lang sa inyo ng tour guide nyo, maaari ding naikwento na sayo dati pa at ngayon mo lang naalala. At maaari ding napag-aralan at nabasa mo na pero ngayon mo lang mas naunawaan noong nakita. Pero hindi din! May mga kwento lang talagang hindi nauubusan ng kasaysayan at kwento. Sa ibang banda, mas nagiging intersado lang ang kwento kapag personal mo na itong nasasalat at nakikita. ( fieldtrip lang!? lels :P )

ILOCOS NORTE
DAY 1 PART 2/2

Nakaraan:

Mula sa Google
Mula sa Google

CITY OF BATAC
11:00 Matapos masuyod ang apat na mga puntahin sa Paoay na hindi dapat palagpasin kung pupunta ka na rin naman dito, sinunod na rin namin agad ang kalapit nitong bayan –ang Batac.

Kilala ang bayan ng Batac bilang tinaguriang “Home of Great Leaders” paano ba naman dito lang naman nagmula si Pangulong Ferdinand Marcos at iba pang leaders tulad nila Gen. Artemio Ricarte, ang haligi ng Philippine Army at Msgr. Gregorio Aglipay, ang nagtatag ng Philippine Independent Church.

Kaya hindi na rin nakapagtataka kung bakit nandirito pa rin ang mga labi ni Pangulong Marcos na sya namang pakay namin dito.

MARCOS MAUSOLEUM/MUSEUM

this way to mausoleum

Noong una, hindi ko inakalang sa lugar na iyon pala matatagpuan ang Mausoleum ni Pangulong Marcos. Akala ko kasi nasa mala-memorial park ito. Nasa katabing bahay lang pala ito ng mga Marcos. Ayon nga sa driver namin, dito pa rin naninirahan si Imelda at nakikita pa rin syang nakikisalamuha sa mga tao. FYI, si Imelda pala ang kinatawan ng distrito ng Batac sa  Mababang Kapulungan ng Kungreso.

imelda house

Walang entrance fee sa Mausoleum na bukas araw-araw sa mga oras na alas-9:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali at ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng hapon.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng larawan sa loob at labi ni Pangulong Marcos. Maari daw kasi itong maapekto sa sensitibong labi ng Pangulo. Pagpasok palang sinalubong na kami ng mala-simbahang himig. Kakakilabot. Samahan pa ng napakalamig na lugar. Kailangan daw kasi ng malamig na temperature dito upang mapareserba ang katawan ng Pangulo kahit nasa silyadong salamin na ito. Bagama’t maraming nagsasabi na hindi na daw ito totoo at replika na lang na gawa sa wax, naniniwala pa rin ako na totoo ito. Isipin nyo lang kung bakit sila mag-e-effort ng husto para sa isang wax na lang di ba? Anila, naghihintay pa rin daw ang pamilyang Marcos na dadating din ang panahon na maihahatid din ito huling hantungan sa Libingan ng mga Bayani.

Matapos namin sa Mausoleum, nagpahinga muna kami dito at uminom ng Dragon Fruit Salad na napaka sarap sa halagang PhP25.00. Napakaraming Dragon Fruits dito sa Ilocos Norte sa katunayan nga, sa mga bakuran palang ng mga ordinaryong bahay dito ay may makikita ka ng nakatanim. Noong una nga nagtataka ako kung bakit may mga gulong sa itaas ng mga halaman, Dragon Fruits pala yun. Ang Dragon Fruit kasi ay kabilang o kamag-anak ng mga Cactus, sa mismong mga mahahabang dahon nito tumutubo ang mga bunga, bukod doon kung hindi ako nagkakamali, kinakailangan kasi nito ng may kataasan na lugar upang hindi sumayad sa lupa, para sa ganoon maiwasang madumihan ang mga prutas. Ang mga gulong ng sasakyan ang syang nagiging proteksyon at pundasyon nito. (ang hirap ipaliwanag hahaha) :P

11:30 Dinala na din kami ni manong driver sa bilihan ng Empanda. Grabe! First time ko makakatikim nun. Binili namin ang Special Empanda na may itlog, longanisa, gulay at iba pa sa halagang PhP35.00, Sa sobrang sarap naubos namin agad at hindi na namin nakuhaan pa ng picture :D

WORLD PEACE CENTER (MARCOS PHOTO GALLERY)

Sinunod na rin naman ang World Peace Center o Marcos Photo Gallery kung saan sandamakmak na larawan ng Pamilyang Marcos ang masisilayan dito. Pero hindi lang basta larawan, kundi kasaysayan.

Kung hindi ka naman maalam kay Imelda Marcos katulad ko na kilala lang sya dahil sa daan-daan nitong mga sapatos at pagpapagawa ng madaming straktura sa Pilipinas, bibilid ka sa kanya kapag nakarating ka dito. Sobrang napahanga ako sa kanya dito dahil sa mga larawan palang, kitang-kita mo na kung paano sya tinitingala at ginagalang sa buong mundo noong Unang Ginang pa sya ng Pilipinas. Syempre kasama na sa pagtingalang iyon ang buong Pilipinas.

world peace gallery
Si Jed habang pinagmamasdan ang mga picture mala-newsroom.

May mga larawan pa nga doon na katabi nya ang mga kandidata ng Ms. Universe, hindi ko lang alam kung anong taon iyon pero masasabi kong mas maganda pa sya sa mga kandidato. Natatangi talaga ang tindig at kagandahan ni Imelda!

Pero sa tingin ko hindi na kailangan ni Imelda na sumali pa sa Ms. Universe para tanghaling Ms. Congeniality, sa dami ba naman nang napuntahan at nakadaop palad nyang mga leaders sa iba’t ibang bansa peace Maker na talaga sya! Ikaw na talaga Imelda!

photo frames
Mga Picture frames with Flags. Kita nyo?

CITY OF LAOAG

laoag arc
Laoag City Welcome Arc
Mula sa Google
Mula sa Google

12:30 At dahil tanghaling tapat na iyon, kinailangan na naming bumalik sa Laoag para makapag tanghalian. Pinaubaya na namin sa driver kung saan kami kakain at dinala nga kami nito sa isang iskinita sa kahabaan ng Balintawak Street, ang daming kainin nito sa loob.

Inorder namin ang napakasarap na Bulalo, Igado at iba pa sa halagang kulang-kulang P300 for 2! Sobrang sarap! as usual wala uling picture. Hahaha (ang pagkain kasi kinakain hindi pinipicturan lels)

13:30 Matapos naming mananghalian, muli na kaming umarangkada para sa aming City tour, sumakay kami uli sa trike. Kaso super epic dahil isang kanto lang ang nilagpasan namin at binaba na rin kami agad hahaha. Doon kami nagsisi na dapat talaga ay Batac at Paoay tour lang ang kinuha namin at hindi na sinama ang Laoag City tour dahil wala naming tour na naganap.

Pero hindi na rin naman namin ito pinagsisihan ito dahil may napagiwanan kami ng aming gamit habang namamasyal.

ILOCOS NORTE CAPITOL / TABACCO MONOPOLY MONUMENT

Inuna namin ang Aurora Park, ito yung parke sa harap mismo ng Kapitolyo ng Ilocos Norte. Dito sa parkeng ito nakatayo ang Tabacco Monopoly Monument.

16

Noong nag-aaral pa ako sa high school, maraming beses ko ng narinig ang Tabacco Monopoly sa Pilipinas (malamang hindi ko inintindi yun hahaha) at nakakatuwang isipin na dito ko ito mismo sa Ilocos Norte naunawaan.

Noong nasakop kasi tayo ng mga kastila daang taon na rin ang nakararaan pinag-utos ni Haring Alfonso XIII ang pwersahang pagtatanim ng Tabako sa rehiyon kahit hindi sang-ayon dito ang mga Ilocano. Ibig sabihin, natatanging Tabako lang ang pwede nilang itanim. Pakay kasi nitong maging sentro ng kalakalan sa buong mundo ang Pilipinas sa pagtatanim at pagtatabako. Ganoon pa man taong 1881 binuwag din ito sa tulong ng panunungkulan ni Governor Fernando Primo de Rivera.

Bilang pasasalamat sa kaharian ng Espanya nagtulungan ang mga Ilocano upang maitayo ang Tabacco Monopoly Monument na sya ngang matatagpuan ngayon sa Kapitolyo ng Ilocos norte –ang Lungsod ng Laoag.

wishing well
Nakakita na naman ako ng Fountain, kaya naghagis na naman ako ng piso para mag wish :) #Pamahiin

Bagamat naging madilim na kabanata sa buhay ng mga Ilocono ang mga pangyayaring ito, isa pa rin ang pagtatanim ng tabako sa pangunahing produkto ng Ilocos.

laoag plaza
Aurora Park / Laoag Plaza
Aurora Park Laoag City
upu-upo din kapag may time lels.
Ilocos Norte Capitol
Ilocos Norte Capitol

MUSEO ILOCOS NORTE

Sa Kaliwa ng kapitolyo matatagpuan ang Museo Ilocos Norte. Bukas ito araw-araw mula alas-9:00 ng umaga hanggang ala-5:00 ng hapon sa araw ng Lunes hanggang sabado. Alas-10:00 naman ng umaga hanggang ala-5:00 na hapon pagdating ng Linggo.

Museo Vivo De Ilocos
Mainit sa Ilocos Promise kaya ganyan pagmumukha ko :D

May entrance fee dito.

  • Age 0-6 =========================== Free
  • Elementary Pupils =================== Php 10.00
  • High School Students ================= Php 15.00
  • College Students and Teachers w/ID ======Php 20.00
  • General Admission =================== Php 50.00
  • Senior Citizens 20% Discounts upon Presendting of Senior ID
Museo Ilocos Norte
Yung totoo? di ba mas mukha akong nagbibigte kaysa sa kalabaw? hahaha

Sulit naman ang Php50.00 na entrance fee, naikumpara ko nga ito bigla sa Museo ng Iloilo.. (wala lang pareho kasi silang “I”) di hamak na mas maganda ang Museo Ilocos Norte. Mas maganda lang talaga ang labas ng Museo Iloilo :D.

Pwedeng kumuha ng larawan sa loob kaya mananawa kaso sa pagmumukha ko dito.

Museo Ilocos Norte
Parang ang puge ko dito. haha (parang lang! bawal epling lels)
Museo Ilocos Norte
Yung totoo uli? Nabibigatan ba ako o natatae? haha lels.
Museo Ilocos Norte
Wala namang nakalagay na “Do not touch” kaya nakialam ako :D
Museo Ilocos Norte
Ang mga walang kamatayang Banga.

12

Museo Ilocos Norte
Napagod lang po. :D
Museo Ilocos Norte
Ano ang ginagawa ko? a. Kumakanta, b. Tumutula, c. Umaarte, d. Nagpapapansin. hahaha lels. :P

CHEESECAKE, ETC. CAFÉ

Matapos ang nakakapod na paglibot sa loob ng Museo, sa labas nito ay may mga naghihintay na sa inyo na makakainan. Pumasok kami sa Cheesecake Etc. Café umorder kami ng Mocha Cream Frapped at hindi ko na maalala ang inorder ng kasama ko hahaha sympre umorder kami din ng Cheesecake. Ang bill namin kulang-kulang Php500.00 pasok pa rin naman sa budget.

4

ST. WILLIAM’S CATHEDRAL AND SHRINKING BELL TOWER

Dumerecho na rin kami agad sa Shrinking Bell Tower, tanaw na tanaw rin ito mula sa Tabacco Monopoly Monument at ilang hakbang lang  mula sa St Williams Cathedral. Itinayo ito ng mga Augustinians taong 1612. Ang Shrinking Bell Tower daw na ito ay ang pinakamataas na bell tower sa buong Pilipinas na may taas na 150 talampakan. Pinaniniwalaan din na lumulubog  daw ito ng Isang pulgada kada taon. (Pero wag kayong mag-alala dahil aabutin pa ito ng daan-daang taon bago tuluyan mabaon sa lupa hahaha.)

 SHRINKING BELL TOWER ILOCOS NORTE
Thank You Lord! -sabi ko
Shrinking Bell Tower Laoag, Ilocos Norte
Shrinking Bell Tower Laoag, Ilocos Norte

Sumaglit lang kami sa Cathedral dahil naghahabol din kami ng biyahe papuntang Pagudpud.

15:30 Natapos ang paglalakabay na iyon sa Laoag Proper sa paghatid sa amin sa Sakayan malapit sa Museo Ilocos Norte.

Nagbayad kami ng Php700.00 kay kuya. Bakas na bakas sa mukha nya ang kasiyahan dahil nakakota sya samin :)

INSIDE  ST. WILLIAM'S CATHEDRAL
Sa loob ng St. William’s Cathedral, wala kaming kuha sa labas ng simbahan naaksidente kasi mata ko kaya nakalimutan. Sa pagbalik na lang lels.

LAOAG TO PAGUDPUD

Kulang-kulang dalawang oras din ang layo ng Laoag sa Pagudpud sa pamamagitan ng ordinary bus (sa halagang Php 60.00) kaya makakapagpahinga ka rin sa bus kahit papaano.

laoag to pagudpud Bus Terminal
Laoag -Pagudpud Bus Terminal

Sigurahin mo lang na magigising ka kapag magdadaan na kayo sa Munisipyo ng Bangui para mas maramdaman mo ang heksaytment kapag nakikita mo na ang mga windmills.

Tip #3 Umupo sa right side ng bus :D

17:30  Palubog na ang araw ng makarating kami sa Sentro ng Pagudpud. Sinundo kami dito ng driver namin na magiging guide namin sa pagsuyod ng South at North kinabukasan.

TIP #4 Siguraduhing may matutuluyan na kayo sa Pagudpud ganoon din ang makakasama nyo o guide sa paglalakbay

May pagkakataon pa sana kaming panoorin ang paglubog ng araw kaso medyo pagod na kami kaya nanatili na lang kami sa Guest house.

Tumuloy kami sa ACE GUEST HOUSE na nakuha namin sa halagang P1,200/per with breakfast (na free daw) Mura naming syang nakuha dahil hindi naman peak season, pero kung summer ka mag check in dito baka abutin daw ng Php3,000.00/night. Yung Driver na rin namin ang naghatid sa amin dito na kapitbahay at kamag-anak nya rin. (Bago matapos ang blog ko sa Pagudpud ibibigay ko yung details ng Guest House pati na rin yung Guide namin)

But wait theres more! may mas mura pa sa P1,200 kaso mukhang mas kumportable sa napili namin.

Maganda ang tinuluyan namin dahil ilang hakbang lang nasa Saud Beach ka na, tanaw din dito ang mga windmills! (maliit na nga lang sila dito sa layo)

Meron din silang Snack bar kung saan pwede ding magpaluto. Masarap naman, sa katunayan mapapa-extra rice kami kapag kumakain.

Bukas magsisimula na naman ang paglalakbay namin kaya abangan nyo! Heksayting ang mga windmills! :)

——-

Ang mga larawan sa itaas ay pagmamay-ari at kuha ni Jed.

—oOo–

Maraming Salamat sa bago kong Subscriber/Follower:

  Yom
http://offthefootypitch.wordpress.com

Kung nais mo ding mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito. Ilagay ang email o i-click ang  “SUNDAN SI OTEP” Maaari ding i-like ang facebook page ko sa www.facebook.com/librelangmangarap

Pwede din akong i-follow sa twitter! :D lels.

About these ads

5 thoughts on “BINATAC NG KASAYSAYAN”

  1. Nasa bucketlist ko rin ang ilocos. Ang kukulit ng pictures katuwa. Infairness parang gumwapo ka nga kuya. Naks!! Ikaw na. Haha

    Mukhang masarap yung cheesecake.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s