Tag Archives: Gamot sa sakit ng Tiyan

CREAMER-S ®


Anila walang nakakatawa kapag buhay-kamatayan na ang pag-uusapan. Bawal tumawa sa blogpost na ito ngayon, kahit pa kinukunsidera na ito ng marami bilang HUMOR BLOG come on!

Kahapon, mga bandang ala-sais (as usual) late pa rin ako sa office, pagbukas ko ng pinto nakita ko agad ang balahura kong officemate. Ewan ko ba nagsasawa na ako kakaaway-bati kaya para matapos na wala na lang batian.

Maya-maya nakaramdam ako ng kung anong anik-anik sa loob ng tiyan ko. Basta masakit sya. Nag pray ako agad kay Bro na sana natatae na lang ako kaysa sumakit tiyan ko nang ganito.

Sa totoo lang nadadalas na ang pagsakit ng tiyan ko. Hindi ko alam kung dahil ito sa sobrang acidic na ako kaka-kape o dahil sa hindi pagkain ng agahan o dahil sa sobrang kain sa nakaraang Chinese New Year! KUNG HEI FAT CHOI pala! Sino dito ang mga year of the rabbit? magiging close ko daw kayo at baka mauwi pa sa pagmamahalan lels. hahaha! :P

Habang tumutuntong ang katanghalian, pakirot na nang pakirot tiyan ko. Pakiramdam ko bandang gitna at ilalim sya ng dibdib ko nanggagaling (sikmura). Tapos nung tumagal hindi ko na alam kung saang part na sya.

Nakararamdam na rin ako ng pagsusuka pero hindi ko tinutuloy kasi baka matsismis ako dito sa office na nagdadalang tao. Joke! pero Hindi na talaga joke ang nararamdaman ko. Kung anu-ano na nga naiisip ko.

Habang tinatanaw ko ang Asian Hospital dito sa Alabang parang gusto ko na rin magpadala sa ospital. Naisip ko bigla, na magandang ideya ang magpa EyeBall sa Ospital. Madami kaya akong matatanggap na teady bears, flowers at abuloy na din just in case? Tapos pag nagkataon pa kapag nadala ako sa Morgue hindi lang Eyeball ang drama ng mga kapwa ko blogista kundi magiging Grand EyeBall na! BUNGGA!

Pakiramdam ko talaga may appendicitis na ako noong mga oras na yun. Lalo na’t dalawa sa kapatid ko ay nagkaroon na -(family history). Mas madami nga lang tahi ng ate ko kasi tatlong beses na s’yang na-cesarean. (hanggang ngayon hindi ko pa rin maimagine hiwa ng tiyan nya). :P

Sobra na akong nagpapanik kasi ang kirot na ng tiyan ko, e sino pa ba tatawagin ko kundi “mama ko…” “mama ko chakit chan ko” :(

Text ako agad sa mama ko.

OTEP: “Ma, ang sakit ng tiyan ko” (sad face)

MAMA: “P chick up na patolong k jan” (pang jejemon lang kung maka “chick”)

OTEP: “Mawawala din ‘to”

MAMA: “Kc kahapon maalat poteto chip inubos mo, inum ka ng CREAMER S d2 ako sa dasma kung dmo kaya magpaalam k punta k doctor sabihin m sa bos mo”

(hindi ko nabasa kaya walang reply)

MAMA: “Tip ano punta ako bumuli ako CREAMER S dalhin k jan text mama”

(hindi ko pa rin nabasa)

MAMA: “Tip ang gamot s sakit ng tyan BUSCU PAN nabili ko CREAMER S saan ka text mama”

Noong nabasa ko ‘yan lalong nagkasakit-sakit tiyan ko sa katatawa. Ilang beses ko inisip kung ano ang CREAMER S, akala ko pinapainom lang ako ng gatas. hahahaha!

Doon ko naalala na may KREMIL-S pala ako sa bag na binili ko pa noon sa SM MALL OF ASIA noong minsang nag ka EB kasama sina Axl, Bino, Tolits, Jay, Empoy, Mark, Kurog, Xander, Kuya Burn, Zyra, Lester atbp.

Walang patumpik-tumpik! ni-hindi na nga ako kumuha ng tubig kasi chewable naman! ang sarap! parang kendi! Matapos ang mahigit isang oras….

OTEP: “Ma, ayos na! CREAMER S lang pala! hahahaha” lels

MAMA: “Nag-aalala ako sayo punta ako jan dka sumasagot”

Doon ko naisip na maganda pa rin palang magkaroon ng mini-drug store sa bag. Naalala ko bigla si Mahal na Poon at CJ sa Iloilo kaya pala lagi sila may dala noon.

Ngayon, Natutuhan kong laging magdala ng paunang lunas dahil sa mga pangyayaring ito.

Sana hindi na sumakit uli tiyan ko. Salamat sa Creamer-S.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Maraming Salamat pala sa mga karagdagang followers! HAY LUV U OL!

  • blackloves​me
  • AJ Luna
  • wanhandred​wan
  • Carl Augustus
  • geminians
  • at sa 3 Somesone (email subscribers) [so hindi na someone yan somethree na! Ngi! lels.]

Sa nais pang mag subscribe punta lang sa upper rightside ng blog na ito ilagay ang email o i click ang “SUNDAN SI OTEP”

Salamat :)