Tag Archives: Kahulugan ng Maikling Kwento

BAGONG SPELLING


Nasa ikalawang taon ako sa kolehiyo nang ako’y maatasang mag-ulat sa klase ng Filipino 1 (Sining ng Pakikipagtalastasan). Ukol ang ulat sa paksang “Ang 2001 mga Tiyak na Tuntunin sa Gamit ng Walong Dagdag na Letra ng Alfabetong Filipino”. Patungkol ito sa magiging pagbabago sa pagbabaybay o pagsulat sa Filipino, mula sa mga hiram na salita na naglalaman ng alin man sa walong bagong karagdagang letra sa alfabetong filipino ( C, F, J, N , Q, V, X at Z).

***

ITO ANG NILALAMAN:

Sinasabing ang bagong tuntunin sa gamit ng walong dagdag na letra ay paluwagin ang pagamit nito.

Sinasabi ring ang mga hiram salita na magbabago ang ispeling ayon sa pinapairal na sistema ng walong karagdagang letra, na umangkop na at nakasanayang baybay ay hindi mawawala kundi magiging makaluma lang.

Halimbawa:

Ang salitang “pormal” ay magiging “formal” na dahil ang salitang ito ay hiram lamang.

Sa paglipas ng taon inaasahang mas gagamitin ito kaysa sa nakasanayang pagbabaybay.

Ang walong dagdag na letra sa Alfabetong Filipino ay nahahati sa dalawang grupo. (F, J, V, at Z) at (C, Ñ, Q at X)

Ang mga letra F, J, V, at Z ay mga letrang may tiyak na fonemik na istatus sa palatunugang Ingles. Ibig sabihin, may iisang kinatawagang tunog ang mga letrang ito.

Halimbawa:

Ang hiram na salitang “alphabet”. May lumang pagbabaybay ito sa salitang “alpabeto”. Dahil may pinapairal na sistema ang salitang ito ay magiging “alfabeto” na.

Ang mga letrang /ph/ ay may fonemik na istatus sa palatunugang /f/ kaya mula sa “alphapet” ang salitang “alpabeto” ay magiging makaluma na.

Ang mga letrang C, Ñ, Q at X naman ay may letrang itinuturing na redandant. Ibig sabihin, hindi kinakatawan nito ang iisa at tiyak na yunit ng tunog o palatunugang ingles, kundi nakakatunog ng isa pang letra o sunuran ng mga letra

Halimbawa:

Ang hiram na salitang “central” ay may baybay sa salitang filipino na “sentral”, na mananatili ayon sa sistemang pinapairal.

Ang hiram naman na salitang “cake” ay may baybay sa salitang filipino na “keyk” na mananati rin ayon sa sistemang pinapairal.

Ang letrang C kasi ay kumakatawan sa higit sa isang fonemik: /k/ at /s/

Ñ -kumakatawan sa palatunugang /ny/ halimbawa: “piña” – “pinya”

Q -kumakatawan sa palatunugang /k/ at /kw/ halimbawa: “quintuplet” – “kwintuplet”

X -kumakatawan sa palatunugang /ks/ halimabawa: “extra” – “ekstra”

Ang mga hinihiram naman sa orihinal nitong anyo ay mananatili ayon sa mga kundisyon:

* pangalang pantangi -tao, lugar.

Halimbawa: “Cavite” mananatili ito sa baybay na “Cavite” at hindi na sa baybay na “Kabite”

* Salitang teknikal o siyentifiko.

Halimbawa: “Physic” mananatili ito sa baybay na “Physic” kahit pa may fonemik na /f/ ang /ph/. hindi na ito maaaring ibaybay sa salitang “pisik” o “pisika” mas lalong hindi sa baybay na “fisik” o “fisika”.

*Salitang natatanging kahulugang cultural.

Halimbawa: “Cultural”

*Salitang may iregular na ispeling, ibig sabihin gumagamit ng dalawa o higit pang letrang hindi binibigkas.

Halimbawa: “bouquet” ang mga letrang /t/ at pangalawang /u/ ay hindi binibigkas sa salitang ‘bouquet’.

*Salitang may international na nakikilala at ginagamit.

Halimbawa: “taxi” hindi na ito pwedeng ibaybay sa salitang “taksi” kahit pa ang letrang “X” ay nakakatunog sa fonemik na /ks/.

Pinagmulan: Apar, Marcelo B. et at Sining ng Pakikipagtalastasan, Technological University of the Philippines Manila.

***

Naisulat ko ang ganitong komposisyon dahil sa labis na pagtataka at sama ng loob.

Ganoong itinuturo ito sa paaralan at makikita sa aklat bakit ang mismong detalye sa nasabing libro ay hindi sumusunod sa nasabing alituntunin.

Sa unang pahina pa lamang ng ikalawang yunit kung saan nakasaad ang “Mga Pangkalahatang Prinsipsyo” sa “2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino” ay napakarami ng mga maling baybay kung bibilangin mahigit tatlo (sa unang pahina pa lang!)

Tulad nang salitang “espisipikong” ganoong mula ito sa hiram na salitang “specific” kung ganoon ang dapat na ispeling dito ay “espisifikong”.

Nakakapagtaka talaga, mas lalo na noong nagbigay ng pagsusulit ang guro ko, sa kanyang test paper nakasulat ang salitang “propesor” na dapat ay “profesor” na!

Hindi na ako nagtataka kung ang mga kamag-aral ko ay hindi na matatandaan pa, kung ano man ang nai-ulat ko sa klase.

Kung ang guro ko ay hindi na yata matuto paano pa kaya ang mga tinuturuan nito?

Hindi pa natapos dito ang kalbaryo..

Pangalawang semestre na at retorika na ng pag-aaralan sa Filipino 2. Mas lalo pa yatang lumalala.

Makikita sa harap ng Libro ang ganito:

“Teknolohikal na Unibersidad ng Pilipinas.” Kitang-kita sa salitang “unibersidad” ang pagkakamali. Ang hiram na salitang “university at binaybay sa salitang “unibersidad” na dapat ay “universidad” na.

Sapagkat may tiyak na fonemik ang letrang “v”-/v/ kaya’t hindi na ito maaring palitan sa letrang “b” -/b/.

Hindi na ako nagulat sa mga ispeling sa loob ng aklat at sa mga sumunod na pahina. Isipin mo naman kung ang nasa harapan ay mali na paano pa kaya ang nasa loob nito?.

Sinasabing puwede pa namang gamitin ang lumang pagbabaybay. Pero kailan pa natin gagamitin ang bagong sistema ng ispeling!?

“kapag pumuti na nag uwak?”

At bakit sa kolehiyo pa lang itinuturo ito hindi ba’t mas makakabuti kung sa elementarya at high school muna?

Isa pa taong 2001 pa ito, 2007 na!

Mapapalaganap ang ganitong pagbabago kung magtutulungan ang lahat ng sektor sa ating bayan, lalung-lalo na ang presensya ng media. Sa pamamagitan ng komunikasyon magiging familyar na ang mga tao sa bagong sistema ng pag-i-ispeling. Pero Hanggang ngayon, wala pa ring pagbabago.

Halimbawa: sa unang tingin mo pa lang sa dyaryo makikita na ang ganito “pebrero 01. 200..” wala pa ring pagbabago.

Kailan kaya ito maisasakatuparan, pag lubos na nasakop na ba tayo ng wikang dayuhan? o baka naman pag nasa kawalan na nag ating wikang minamahal!?

-otep

► ► ►

MAIKLING KATHA/KUWENTO (KAHULUGAN)

Ito’y isang akdang pampanitikan na likha ng guniguni at bungang-isip lamang na hango sa isang buhay na tunay na nangyari o maaaring mangyari. Ito ay tumutugon sa pangangailangan ng mga taong mahilig sa pagbabasa, ngunit kapos sa panahon.

Dahil sa kaiklian nito, ang maikling katha ay maaaring basahin sa isang upuan lamang. Wala ri itong kabanata buhat sa sim ula hanggang wakas. Gayundin, ito’y nagniningning, nakapupukaw at mabisang nakapagpapadama o nakapagkikintal sa diwa o damdamin.

Ang mga sangkap ng isang maikling katha ay: paksa, tagpuan at ang banghay.

Ang isang katha ay kailngang may kinakaharap na suliranin na alam ng pangunahing tauhan na angkupan ng karampatang kalutasan. Ang sagupaang ito ng magkalabang laks ay tinatawag na tunggalian.

Ang paghahahanay ng mga panayayari upang makalikha ng suliranin ay tinatawag na banghay. kung ang may-akda ay mahusay makapagbago ng takbo ng mgfa panyayari sa maikling katha, siya’y makapaghahati ng lalong kapana-panabik na bahagi at kalutasang sukat ikasiya ng mga mambabasa.

Bago malinang ang banghay ng katha sa isang paraang madula, kailangang ipakilala muna sa mambabasa angt mga tauhan, ang kanilang sandigan at ang kanilang mga pag-uugali. Ang bahaging ito ang tinatawag na paglalahad. Ang panyayaring nagbibigay gusot sa banghay ay tinatawag na pangunahing pangyayari. Habang sumusudhi ang gusot, sumusudi rin ang pagkawili ng mga mambabasa. Ang kaigtingang nilikha ng pagkabahala ng mambabasa sa magiging wakas ay tinatawag na pananabik. At sa wakas dahil sa pagkilos ng pangunahing tauhan, ay may isang panyayaring tiyak na magaganap. Ang bahaging ito na lumilikha ng sukdulang pananabik ay tinatawag na karurukan o kasukdulan. Ito’y kagya’t na sinusundan ng kakalasan at ang bahagi ng katha na dati’y may kalabuan ay ganap na nagliwanag.

MGA SALIK NG MAIKLING KATHA

KANANGHAYAN - tumutukoy sa banghay o pangkakabalangkas ng mga panyayaring dapat na maging maayos ang pagkakaugnay upang maging marikit matatag at kapanipaniwala.

KAKINTALAN - ang tuon ng maikling kataha ay lagi nang may iang panig ng buhay na nais ihatid o ikintal sa isipan ng mambabasa. Ang hangarin ito ay maaaring maganap nang maayos sa pag-alinsunod ng paglalahad sa paningin lamang ng isa sa mga tauhan ng katha, kadalasa’y ng pangunahing tauhan.

KAPANAUHANito’y tumutukoy sa di-tuwirang paglalarawan ng tauhan na dapat isagawa ng kalikasan ng mga tauhan sa pmamagitan ng kani-kanilang kilos at pananalita.

KAGANYAKAN – ito ang pang-unang suliranin na kailangang maipahiwatig kaagad sa simula pa lamang ng kwento. At upang ang mga mambabasa ay maganyak anaman na magmalasakit sa suliranin ng pangunahing tauhan, kailangang ang naturang suliranin ay hindi lamang maging mahalaga sa pangunahing tauhan kundi sa mga mambabasa na rin.

KASIYANGAAN - hinggil ito sa sariling bikas ng manunulat o sa kaniyang kakayahan sa paraan ng pagsulat.

PAKSADIWA - Tumutukoy ito sa paksadiwa ng katah na bilang kaluluwa ng kuwento ay kailngang makapagdulot ng kasiyahan sa mambabasa.

KAHIMIGAN -ito ay ang kamalayan ng isipan o ang nangngibabaw na damdamin. ito’y maaaring malungkot o masay, dibdiban o mapanuyo, mahinhin o magaso.

pinagmulan: Aguilar, R. L., et al. Sining ng kumunikasyon, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

———————————————————————————————-

MGA BAHAGI AT SANGKAP NG MAIKLING KUWENTO:

1.SIMULA

a.) Mga Tauhan – dito nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papael na gaganapan ng bawat isa, maaring bida, kontrabida o suporta.

b.) Tagpuan - dito nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.

c.) Suliranin –
kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.

2. GITNA

a.) Saglit na Kasiglahan – naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.

b.) Tunggalian -
bahaging kababasahan ng pakikitunggali ng pangunahing tauhan sa mga suliraning kakaharapin na minsa’y ang sarili, ang kapwa, o ang kalikasan.

c.) Kasukdulan –
pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

3. WAKAS

a.) Kakalasan - bahagingh nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.

b.) Katapusan – kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.