Tag Archives: pagmamahal ng ina sa anak. pagmamahal ng anak sa ina

KIM TAK GU MABUTING TINAPAY


Naghihikab pa ako ngayon. Hindi ko na kasi nahintay ang ending ng Baker King kaya tinapos ko na ito sa DVD.

Huwag kang mag-alala hindi ko naman iku-kuwento ang ending dito. :)

Sumatulan tatlong araw ko itong pinanood at halos abutin ako ng ala-6 ng umaga kakapanood dito, kaso noong pangatlong araw ko na, masyado akong nasabik sa bawat preview ng episode kaya tinuloy-tuloy ko na. Kaya inabot ako ng alas-dose ng tanghali. Sa kabuuan 30 episodes ang bumusog sa inaantok kong diwa.

Pungas-pungas akong pumasok sa opisina, aabsent sana ako sa sobrang antok kaso naalala ko bigla na malapit na ang anniversary ng company namin at sigurado akong tambak na ang mga ads.

Pero kahit antok na antok ako, maalala ko lang ang istorya ni Tag Gu, nangingiti na ako bigla sa sobrang dami ng itinuro sa’kin nito.

Continue reading