Tag Archives: sanaysay para sa edsa 25

PANGARAP NG EDSA


Kung anong bagal ng trapiko mayroon sa kahabaan ng EDSA, siya namang bilis ng takbo ng panahon.

Tama! saktong ika-dalawampu’t limang taon na ng pagdiriwang ng aniversaryo ng kauna-unahan at natatanging People Power sa mundo.

Ilang milyong sasakyan na kaya at tao ang nagpapabalik-balik sa EDSA na masasabi nating napamura at nangarap na sana balang araw ay mawala ang salot na trapiko dito?

‘yon naman ang maganda sa mga Pilipino na kahit ang simpleng trapiko, ay naikukonekta pa rin talaga sa salitang pangarap, -pangarap na pagbabago: na sana dumating ang panahon na mawala ang mala usad-pangong  na trapiko.

Nasa talbos pa ako ng kamote noong panahon ng Martial Law at EDSA revolution, pero ilang milyon din kaya ng tao ang nangarap ng pagbabago para sa pamahalaan noong mga panahon na iyon? sa kabilang banda, ilang milyon din kaya ang natuwa noong natupad ito? :D
Continue reading