Tag Archives: Uri ng Aksidente

USAPANG KAMATAYAN


pangarapin mo pa kaya copyOppps.. kung ayaw mo ang usaping ito, dito palang ay maghanap ka na lang ng ibang post na sa tingin mo ay magigiliwan mong basahin :)

Siguro noong kabataan mo ay natakot ka rin sa mga kuwentong multo o katatakutan mula sa kuwentong baryo o kababalaghan. At syempre isa sa mga araw na kinakatakutan mo ay araw ng mga patay.

Takot na takot talaga ako pag darating ang araw na ito, siguro dahil puro kuwentong kaluluwa na naman ang mga mapapanood ko sa telebisyon na mananatili sa aking kaisipan, na magpahanggang sa panaginip at maglalakbay ang matatakutin kong imahinasyon.

Naaalala ko pa noon yung programang Magandang Gabi Bayan ni VP Noli De Castro, taon-taon inaabangan yun ng mga ate at kuya ko dahil nagpapalabas ito ng mga kuwento ukol sa mga nakakahilakbot at minsan at kapapaniwalaan mo dahil sa husay ng pagkukuwento.

Ngayong mag bebentedos na ako ngayong Nobyembre lols. (parinig) ay hindi ko na kinakatakunan ang mga yaan at tila mas pinapanabikan ko pa ang kamatayan. (amp. tigil na baka mag emo). :D

Minsan naiisip ko ang mga araw na makikitilan na ako ng buhay. Minsan naman iniisip ko kung sa papaanong paraan. At Minsan ako na mismo ang pumipili kung paano ko gugustuhing mamatay.

  • Una. Kung mamatay kaya ako sa pamamagitan ng bangungot tulad ni Marcy Cielo at Rico Yan? Masakit kaya yun? Pero pakiramdam ko parang masakit pa rin dahil tila sinasaksak ka sa pagtulog mo habang mauuwi ka na sa mismong pagkakalagot ng hininga mo?

Ganito ang sitwasyon habang binabawian ng buhay sa bangungot: Minsan mapapasigaw, may pagiyak at ang huling bagay marahil ay paghahabol ng hininga at ang pinakahuli ay ang pinakamalim na paghahabol ng hininga sa tuluyan nitong paghinto. (saklap)

  • Pangalawa. Gugustuhin ko kayang mamatay sa sunog? Syempre hindi, dahil sobrang hirap noon. Kung iisipin mo makakaramdam ka ng sakit habang naaabo ka habang humihinga pa!. Kaya awang-awa ako sa mga taong binawian ng buhay sa pamamagitan ng sunog. Ang sakit noon isipin mo mararamdaman mo ang bawat pagputok ng mga balat mo. aw.

Ganito ang pagsigaw habang binabawian ng buhay sa sunog: Ahhhhhhhhhhhhhh saklolo (ubo) ahu! ahu! ahu! (may kasama pang pag iyak)

  • Pangato. Hindi ko rin nanaising mamatay sa pamamagitan ng Pagkalunod. Isipin mo na lang ang mga sakuna tulad ng paglubog ng barko at flashflood. Ang hirap pa rin, dahil mararamdaman mo pa rin ang sakit nito at unti-unting pagkaputol ng hininga mo. Malas pa pag sa barko, dahil fifty-fifty talaga ang tiyansang mabuhay. Ang masaklap pa kung nalunod ka na tapos hindi pa nahanap ang bangkay mo at ang mas malala kainin ka pa ng mga lamang dagat. aw

Ganito ang huling eksena pag nalulunod: Tuloooooongg.. Blok blok!! (Pag susyal) Help… Blok Blok… hirap pa rin no?

  • Pangapat. Ang mamatay sa pamamagitan ng pagsabog (Bomba o Terorismo, Aksidenteng Pagsabog) Parang gusto at ayaw mo ang pangyayaring ito. Gusto? siguro dahil sa isang iglap at mawawala ka na lang at sa mabilisang pagkawala ng buhay at marahil ay hindi mo na naramdaman ang sakit. Ayaw! dahil pag nagkataon magkakalasug-lasog ang katawan mo.

Ganito naman ang sitwasyon mo: (wala) biglaan kasi kay hindi ka na makareact. Maliban na lang kung alam nakakita ka ng bomba, siguro ganito ang sitwayon mo: Waaaaaaaaaaaaaaa may bombaaaaaaa… takbo.. (magsisigawan ang mga tao).. waaaaaaaaaaaaaaa (BOOOOM!) sabug!

  • Panglima. Tulad ng pagsabog hayaan nyong ihiwalay ko ang aksidente sa eroplano. Medyo may kabilisan din kasi ang pagkakalagot ng hininga ng mga taong binabawian dito. Dati, noong iniisip ko kung paano ako mamamatay sabi ko mas gugustuhin ko ang sa eroplano dahil  instant wala ka ng buhay pero hindi rin pala ganoon iyon may konting aw. pa rin.

Ganito ang sitwasyon mo: Waaaaaaaaaaaaaaa (Boom!) salpok sa mga puno at bundok (minsan masusunog pa kaya pag ka nagkalasuglasog ang katawan mo masusunog ka pa)

Ganito naman ang sitwasyon mo pag bumagsak ang eroplano mo dagat: Waaaaaaaaaaaaaaaaa (Biiiiiiiiiiissssssssssssshhh) (Boom..) mahahati ang eroplano tapos malulunod kapa. Bloook!! Boolkkk!! blok!! saka mahirap dahil may tiyansa ka pang mabuhay.

  • Pang-anim. Ang mamatay sa aksidente, halos lahat naman ng sinabi ko ay may kinalaman sa aksidente, ang aksidenteng sinasabi mo ay literal tulad ng sasakyan at iba pa. Ayoko rin ng ganito kasi wala ring kasiguraduhan. Maaaring mabilisan, maari ding matatagalan at makakadama ng mahabang pagdurusa.

Sitwasyon: Maaring tulad sa sasakyan na bago ka matanggal ay mauubusan ka na muna ng dugo at hahantong sa pagkakalagot ng hininga. Ganoon din sa mga sitwasyong sasabog o masusunog ang sasakyan. At ganoon din sa mga mala-latang nangyayari sa mga awto.

Masaklap din yung wala ka nga sa sasakyan pero nabundol ka naman. ay! katangahan lols.

  • Pangpito. Ang mamatay sa pamamagitan ng pagkakabaon sa lupa o gusali. (ito ang pinakamasakit) Dahil mamatay ka marahil sa gutom at uhaw. Madalas itong mangyari sa landsline o pagkaka kulaps ng mga gusali lalo na pag may trahedya tulad ng Lindol. Biruin mo unti-unti kang manghihina at napakahabang pagdurusa sa napakadilim na lugar.

Ganito ang sitwasyon: Magsisigaw ka at magbabakasakaling baka may makarinig at makasagip sayo. Mag-iiyak ka sa halu-halong sakit na mararamdaman mo. Kakain at iinom ka ng kung anong bagay at likido sa paligid mo. Siguro kung may maganda sa sitwasyong ito ay matatawag mo ang lahat ng santo. Santa Rosa, Santa Cruz, Santa Mesa (lols) at maiisip mo lahat ng kasalanan mo at mauuwi sa pagsisisi.

  • Pang-walo. Hindi ko rin nanaising mamatay sa sakit, lalung-lalo na sa mga sakit na dadalin mo sa mahaba at matagal na panahon tulad ng Aids at Cancer. Ang siste kasi para kang isang karne at uunti-untiing kakainin ng mga uuod habang himihinga ka pa. saklap. Siguro mahirap lang kung magiging pabigat ka sa pamilya mo.

Ganito naman ang magandang sitwasyon pag mamatay ka. Mahirap nga dahil sa tagal pero ang maganda nagkakaroon ka ng pagkakataong maitama ang mga pagkakamali mo sa tulong pagpahingi ng awa sa nasaktan mo ganoon din sa may lalang. Isa rin sa maganda dahil sa huling pagkakataon makikita mo ang mga mahal mo habang may kaunting hininga ka pa at ang mas maganda mamatay ka na katabi mo sila.

  • Pangsiyam. Ang sapilitang pagpapakamatay. Aw. ito ang pinaka masama at pinaka makasalanang magagawa ng tao sa buong buhay n’ya. Ang Diyos ang may may bigay sa’tin at Diyos din ang may karapatang bawiin ito kaya wag kang epling para unahan ‘to.

Sitwasyon: ang pagtalon sa gusali, pag bibigti, pagbabarin sa sarili at pag-inom ng kung anu-ano! luklukan ng kaemplingan!! Huwag na huwag itong gagawin. Ako seryoso naisip ko na ito, pero kung iisipi mo din, paano kung sa pagpapatiwakal mo ay nabuhay ka pa!? o di ba ang saklap? mas lalo mo lang pahihirapan ang sarili mo at mas lalo mong nilagay sa alanganin ang uhay mo. Mas lalo kang hindi makakapag move on sa kung anong dahilan bakit nanaisin mo pang mabuhay.

Sitwasyon (B): sa pagtalon mo sa gusali at sa sitwasyong sumabog ang ulo mo pero nabuhay ka, isipin mo na lang para ka naring patay na nabubuhay dahil hindi ka na makakakilos habang nakahiga sa banig ng kapansanan, ganoon din sa paginom ng kung anong anik-anik. kaya huwag na huwag mo ng subukan! okey!?

Wala naman siguro sa ating nangarap mamatay sa alin man sa mga nabanggit ko, Tandaan na’tin na sa ayaw at gusto na’tin ay dadating at dadating din tayo sa huling hantungan. Binigyan tayo ng Diyos ng buhay para maranasan natin ang Hirap at Sarap sa mundong ibabaw. Mapalad tayong makita ang obra ng may lalang sa Kapaligiran. Mapalad tayong mabigyan ng minamahal at nagmamahal at iba pa.

Mabuhay tayo ayon sa nakasaad sa’tin at kung anong dinidikta sa atin ng panahon.

Lahat tayo ay babalik sa alikabok kaya huwag na nating pangunahan, pero hindi naman ibig sabihin nito na hindi na natin ito paghahandaan. Ano mang oras ay maaaring bawiin sa atin ito kaya isipin nating napakaiksi lang ng panahon para magpaka petiks petiks lang tayo. Sige ka baka hindi mo maabot ang pangarap mo! :)